kamusta na ba ko? okay lang ba ko? anong nararamdaman ko? masakit ba? bakit ako nagkakaganto? kumaen na ba ko? nakatulog ba ko ng maayos? anong mga iniisip ko? at baket ang drama drama ko?
o sige. tutal wala naman may pakialam.. ako nalang. ako nalang kakamusta sa sarili ko.
pero baket ba? lintek na pagibig to. nakamove on ka nga dun sa una. eto na naman. pero wala e. ipasa ko daw muna chemistry para magkaron kame ng chemistry. K. . akalain mo yun eto na naman ako... di makatulog sa gabi sa kaiisip~
punyetang post to. napaka drama.
Piece of Shit.
Insist on yourself. NEVER IMITATE
Wednesday, May 29, 2013
Tuesday, April 16, 2013
Hidden Sanctuary
last minute. oo literal. hindi talaga dapat ako makakasama e. pero will siguro talaga to ni Lord. :) Thank you po sa gabing to. :) ayun na nga, ilang plano ang naganap. pero bigo. pero eto isang pasadahan lang. tadaaaa. natuloy ang inaasam na overnight swimming. :) bukod sa di ko inaasahan na makakasama ko, may mga bagay din na di mo inaasahan na mangyari. pero uulitin ko, will siguro talaga to ni Lord. pasalamat tayo binigay ni Lord tong chance na to. :)
ganon talaga. kahit gano pa kalabo ang isang bagay..
dadating ung pagkakataong ....
maayos ito at magkakaron ng liwanag. :)
ayun. yun na nga. nagets mo ba ko? all izz well. sobrang saya. kahit nananapak talaga yung wave. nakakaiyak. sobrang halaga pala talaga ng height. hindi talaga biro maiwan sa malalim na part tapos di mo na abot yung sahig. salamat sa lubid. salamat talaga. at syempre salamat sayo. :") waa. landi. eto oh, tignan mo nalang kung gano kami kasaya. :)
di pa sumisikat araw, pagod na kame. sobrang pagod.
it was all worth it though.
hi sexy ladies. :)
btw, photos are from stooch album. credits to her.
Lord, Thank you po. :) Pinauwi niyo kameng kumpleto at safe.
Friday, April 12, 2013
May babalikan pa ba ko?
Kamusta ka na? Okay ka lang ba? Kahit ilang buwan kitang iwanan eto ko.. bumabalik balik pa din sayo. Andito na naman ako. Guguluhin ang pananahimik mo.
Teka, san ba ko maguumpisa? Tulungan mo nga kong hanapin yung sarili ko. Ang naalala ko lang e sabe, parang gago daw ako. Napaisip ako.. Nag isip ulit... At hanggang ngayon pinagiisipan ko pa din... Baket kaya?
Isa pa sabe, mali daw ako. Baket na naman? Kasi iniisip ko daw yung sasabihin ng ibang tao. Wala akong masabi kasi totoo. Sabe pa.. " Masaya ba sila pag masaya ka? Alam ba nila ung nararamdaman mo para pakielaman ka? Hindi naman diba? " *make sense* Sagot ko: " Oo na. Mali na ko. "
Sawang sawa ka na bang makabasa ng drama sa buhay? Magdusa ka! Binasa mo e. Wag kang mag-alala, sa susunod na balik mo dito.. Hindi na tulad ng dati ang madadatnan mo. :)
Sunday, December 30, 2012
Kaibigan.
… sa panahon ngayon, konti nalang talaga yung matatawag mong
kaibigan. Ang plastik ngayon e hindi nalang basta basta narerecycle. Yung iba
nakakausap mo pa. J
pero ganon talaga. Parte yan. Minsan may mga tao lang talagang hindi deserving
para pakitunguhan ng maayos at matututo ka ding makipag plastikan. J Hindi mo rin naman maiiwasan yung magkaron ng
kaibigan na WALANG UTANG NA LOOB. J Na simula palang e
sarili lang nila yung iniisip. Date binubusog mo lang sila … =)) ngayon … binubusog ka din nila ng mura sa
isip nila. Ngayon mo nalang talaga
maiisip .. kung ano talagang kelangan nila. Hahaha! Hindi naman ata kawalan mawalan ng kaibigang walang
utang na loob... dahil alam ko paglingon
ko sa kabila … may pag asang makahanap ako ng kaibigan na hindi tulad ng takbo
ng isip ng iba…… Utak na naalog na ng tuluyan. Na hindi na pwedeng pang 2nd
hand, kundi pang junk shop na.
Pero thankful pa din
ako dahil sa mundong kinagagalawan ko .. meron pa rin akong natatawag na
kaibigan. Mga kaibigang maalala ka pag gising palang nila at bago sila pumikit sa gabi. Thank yo friends.
Embrace all the goodshiit. :)
ang bata bata ko pa ohhh. ^ makakahanap pa ko ng maraming totoong kaibigan. hooray!
Sunday, June 3, 2012
Sweet Revenge.
Nagpahinga lang ako .. pinahinga din kita blogspot. Ngayon, susubukan kong magbalik loob sayo.
Matatapos na ang dalawang buwan kong nilagay sa payapa ang buhay ko. Hindi ko pinagtuunan ng pansin ng higit ung mga kashitan sa buhay na wala naman akong mapapala kung di sakit sa ulo lang. Kahit may mga naririnig akong kashitang binabato saken noon hanggang ngayon`binabalibag ko lang din pabalik sakanila. Nonsense e. Alam mo yun? Yung pagtutuunan mo ng pansin yung walang kakwenta kwentang bagay na alam mong wala ka namang mahihita ni sentimo. Yan ung nakakapagod. You guise, inisstress nyo lang ung sarili nyo. Ang tahimik na ng lagay ng buhay ko kaya utang na loob. Patahimikin nyo na din ung mga sarili nyo. Ilagay nyo sa ayos yung takbo ng isip. Keep Calm. Live young, wild and free. =))
Isang tulog nalang .. sasabak na ulet ako sa panibagong kalbaryo ng buhay ko. Eksayted ang ate mo, sa totoo lang. :)) Yung panibagong shitmoments na naman. :)) Gusto ko ung may thrill na. Kaya di na ko paatras ngayon .. Pinili kong magisa. Lumayo sa nakakarami. Baket ba? E gusto ko e. :) Kung babalikan ko ang nakaraan .. Isa sa mga bagay na naibato saken na hindi ko makakalimutan e yung sabihing .. " hindi ko kaya ng magisa " at " ng matuto naman daw akongmaging independent " Mapa`nanay ko sinasabe yan. Well. Ngayon, im giving myself a challenge. Nakakahiya naman kase sainyo dba. ;)
Bukas .. hindi na 5 gising ko. hindi na ko maghihintay ng service para lang makapasok. Wala ng maghahatid ng lunch ko. Wala na din akong sundo pauwi. Yan palang masasabe kong pagbabago na. Alam kong kaya ko. Hindi naman puedeng habang nasisikatan ako ng araw tanga tangahan ang peg ko.
Sabe saken ni Ma`am There .. " Wag ka magalala`balang araw tatawanan mo nalang yan. " " Sa letran madami youlee! :) " Yes Ma`am! PEE BEE BEE TEENS? Hahahaha
Letran, please be kind to me. :))
Pinuhunan ko ang kapal ng muka at lakas ng loob ko dito.
Thursday, April 12, 2012
12:51
Its nice to be back my dear blogspot. :)) antagal din since nung last kong binuksan to. ang dami ng kashitan yung nangyare saken pero wala akong time para pumindot sa keyboard at magkuento. naging bc ata ako?
ano na nga bang lagay ko ngayon? HINDI AKO MAPALAGAY.
blah blah blah. bahala na kung anong kashitan yung meron.
pproblemahin ko e kung san ako magaaaral. ung iba nakaenroll na ako eto nganga sa kawalan. hindi ako makapagdecide. nahihirapan ako. Lord, help please. :)
nawala ako bigla sa hulog magkuento. :| sa uulitin.
eto. bakasyon na naman. tulog sa araw, gising sa gabi.
its like my stupid brain feels like talking to me all night.
Monday, February 6, 2012
saan?
nababaliw na ako sa iyo .. akoy litong lito naloloka . nahihibang sa kaiisip sayo. :D
Charotera ang bakla! ang lakas lang talaga ng hila ng pc saken ngayon para magblog.
Pagod na pagod na talaga ko .. sa tuwing mag eeffort ako para sa isang bagay lageng walang saysay. Nyeta my life!Ung feeling na alam mong nag aral ka. nageffort ka para lang may masagot tapos nung exam na nganga! :O buiseeet. gustong gusto ko na talga umiyak kanina walang halong biro. dahil alam kong alam ko kung anong dapat gawin pero hindi ko magawa. hindi ko masulat. -_____- time pressure pa. ayoko pa sanang tigilan kaso naiwan na ung test paper ko. naiinis talaga ko. nadedepressed ako. omg physics! .. mahal na mahal na sana kita kagabe pero baket? baket naguluhan na naman ako sayo? hindi kita maintndihan minsan ... pero thank god. nasagot ko naman ung 3 cases kahit papano. hoping na tama ung binigay na sagot ng calcu. ;)) sisisihin ko nalang ung calcu. Haha. :D Haiiiiy di pa pala tapos ... bukas sasalubong naman saken e bilog na hahatiin ng pagkadami dami? :O ano ba yan. hindi ba puedeng pag bilog hayaan mo nalang na bilog sya. wag ng hati hatiin. -____________- nakakapagod lang. ayoko na sanang mag effort pa pero san nalang ako pupulutin? :D
Charot lang. nagdadramang bakla. =)))))
ok so much for that. :D ^
saan? saan na ba ko magaaral pagtapos ng 4 na buwan? hindi ako makapgdecide. ang hirap kaseng isuko ung school na gustong gusto mo talaga e. pero mukang wala talaga dun ung luck ko. ang daming pang ibang chance para saken ... pero bumabalik ako dun sa school na gusto ko talaga. e ano? saan na? ang hirap. ang hirap pumili lalo na pag ung choices mo e wala dun yung gusto mo. :O baket ba hindi puedeng pag gusto mo dun ka na o sayo na? baket kelangan magsacrifice? :O haaaiiiy. ayoko sana muna isipin to e .. probleama ko pa kung pano ko susukatin ung bawat sulok ng bilog? Duh? may corner ba ang bilog? :D
Haaiiiy. kapagod. kayamot.
hanggang kelan ba to? antagal ha. kaumay. Pwe!
k. BRB! :P
Subscribe to:
Posts (Atom)

















