[Susubukan ko lang magblog gamit ang natitigang kong utak]
Nasubukan mo na bang magmahal? Panigurado naman`OO! Masarap magmahal lalo nat mahal ka din ng taong mahal mo. Pero baket ba may mga pagkakataong nagmamahal ka ng taong hindi naman makuhang mahalin ka? Baket mo pa kelangan pilitin ung sarili mo sa taong ayaw sayo samantalang andami jan nagkakanda tirik tirik na ung mata dahil uhaw na uhaw sa pagmamahal mo. Bat di ka magisip? para ka lang nagpapakamatay na hindi mamatay matay sa ginagawa mong pagmamahal sa taong hindi naman ikaw ang mahal!
Naiinis ka dahil iniisip mo kung baket hindi ka magustuhan nung gusto mo .. naiinis ka dahil hindi ka matutunang mahalin nung mahal mo .. naiinis ka dahil hindi makita nung taong mahal mo ung mga efforts mo .. pero ni minsan ba naisip mo na may mga taong ganyan din ung nararamdaman para sayo .. kaya quits lang! wag mong isiping kawawa ka dahil sa nararamdaman mo`isipin mo nalang din ung taong may gusto sayo na ni minsan hindi mo pinagtuuan ng pansin ..
Minsan kase nahuhulog na lang tayo sa maling tao at sa maling oras. Maling mali dba? Baket kase may mga taong hindi marunong magcontrol na nararamdaman .. Kung ikaw sa sarili mo alam mo ng wala naman talagang pagasang magkakonekta ung lukso ng dugo nyo .. Una pa lang matuto ka ng magisip kung pano mo bibigyan ng distansya ung sarili mo sa taong yon! Kung ayaw mong masaktan`matuto kang magisip. Wag kang magpadala agad agad sa emosyon mo. Minsan nalilinlang ka lang. Wag mong hayaang tangayin ka ng katangahan mo papunta sa kabiguan!
Hindi lahat ng desisyon nakukuha mo lang mula sa pintig ng puso mo`minsan kelangan mo ding pagsabayin ang puso at utak mo! Wag kang padalos dalos. Ang pagmamahal parang pagmomove on lang din yan .. It takes time .. Kaya wag kang parang instant noodles na mainitan lang e puede ng pagtiyagaan. Hindi ung nag goodnight lang sayo`e kikiligin ka na at ilang beses mo ng babasahin. Sweet nga sya sayo .. pero ang tanong sayo lang ba?
Minsan makokonsensya ka nalang din sa mga ginagawa mo. Ung tipong hindi mo naman intensyon makasakit pero dahil nga may iba kang mahal at hangad mo lang din naman e sariling kaligayan. Wala kang choice kunde makasakit ng damdamin ng iba. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon`may mga instances lang din naman. Maaring maiwasan maaring hinde. Minsan kelangan mo na lang ding umiwas. -__-
May pagkakataon din naman na .. andun na. may mga taong nagmamahal na sayo .. pero ikaw hindi ka pa handang magbukas ulet. maaring may masaklap na nakaraan ka . maaring takot ka na . maaring nagiingat ka lang .. at maaring ayaw mo lang talga sa taong yon :) maraming dahilan ... Kaya marami ring dahilan kung baket tayo nagmamahal at kung bat tayo nasasaktan ..
-
Shiiiiz. Feeling expert naman ako sa mga pinagsasabe ko dito. kala mo totoo. Hindi ko din alam san ako humugot ng mga salita tungkol sa letcheng usaping pag ibig na yan. Pero hindi ko dapat pagtuunan ng pansin yan .. Magaaral muna ko kase alam kong marami pa kong time . Jusko naman . kinse anyos pa lang ako .. at balang arawpagtatawanan ko nalang ung mga kalokohang pagiinarte ko ngayon .. kaya ang masasabe ko lang e ..
KEEP CALM and KEMBOT LANG! :))
No comments:
Post a Comment