minsan pa e napaka mapaglaro pa ng pagkakataon. mga pagkakataon mo para sumaya. pero hindi mo magawa dahil maraming humahadlang. kung san ka masaya don maraming kontrabida. gustuhin mo mang balewalain nalang ang mga bulong bulungan jan sa tabi tabi e hindi mo pa rin maiwasan. iisipin mo parin ung kapakanan mo dahil ayaw mong masira sa mga mata at bibig na mapanira.
minsan matututunan mo nalang maging isang parang patay na isda. sumasabay ka nalang sa agos ng buhay. go with the flow ba kumbaga. ung mga tipong hindi makapag decide para sa sarili nila dahil sa pinangungunahan sila ng kaba nila. haiiy. mahirap nga ung gantong pananaw sa buhay. dahil hindi mo alam baka ung mga taong nasasabayan mo ngayon e balang araw e bigla ka nalang iwanan at mawala nalang sila ng parang bula.
hindi man naten napapansin at nabibilang. marami na tayong napagdaanan sa buhay. may mga daang baku bako at meron ding sementado na. minsan talaga kelangan mo nalang din tanggapin yung mga consequences ng buhay. dahil dun tayo natututo.
may mga pagkakataong kelangan mong mamili o mag decide. mahirap pumili lalo na kung yung bagay napipiliin mo ay taliwas sa gusto mo. mahirap magpanggap. mahirap ipakitang masaya ka sa bagay na hindi mo naman talaga gusto. may mga desisyong bandang huli e punong puno ka ng pagsisisi. dahil nga lahat ng pagsisisi e nasa dulo.
PWE! anong kabaduyan ang pinagsasabe ko dito? haaaiiy. narealized ko lang kase na puede rin pala akong gumawa ng sarili kong penikula o pelikula? ano bang tama. haha. basta yon. nung nasa kamusmusan pa ko`akala kong pang tv lang talaga yung mga ganong eksena un pala nasa realidad ng buhay pala yon.
maghihintay nalang ako ng mga pagbabago. nakakasawa kase ung paulet ulet na nangyayare. ika nga ng isang teacher namen e .. maling sabihin mo na " wag kang magbabago " dahil may kasabihan nga nga nothing is permanent except CHANGE. =)) bahala na muna si batman. time will tell. :))
tulala lang saking kuarto . at nagmumuni muni. =))
Better not to mind the things that depresses you cause it only makes you weak inside and out.
There's a lot of things you can give your time into. Dont get stuck with the things that ruins your day. Smile and be Happy .. like budoy. :D Meehihi.=)) Life is easy, as you wanted to be. ;)

No comments:
Post a Comment